You are on page 1of 2

Pangalan:________________________________________ Petsa: ___________________________

“Sa Gitna ng Dilim”


ni Mil Adonis

Kasalukuyan akong nasa high school nang una kong mapanood ang maituturing kong isa
sa pinakamaimpluwensiyang bagay sa aking buhay. Ang dokumentaryo ni Kara David na
―Gamu- gamo sa Dilim ang nagbukas sa mura kong pag-iisip sa kahalagahan ng edukasyon at
sa kung paanong dapat ito‘y pinahahalagahan.

Humanga ako sa dedikasyon ng mga guro at higit sa lahat sa mga kabataan ng mga taga
Little Baguio dahil bagama‘t kulong sila sa rehas ng kahirapan at bulag sa dilim ng kanilang mga
landas ay patuloy silang nagsusumikap, nangangarap at lumalaban upang maging mas
maliwanag ang kanilang kinabukasan.

Dahil sa inspirasyong idinulot sa aking puso ng dokumentaryong ito, nabago ang aking
naunang mga pangarap sa buhay.

Una kong hinangad na maging isang mahusay na inhenyero upang tuparin ang
naunsiyaming pangarap ng aking ama para sa kanyang sarili subalit, napalitan ito ng higit na
mataas na pangarap, pangarap na makatulong sa ibang tao at maging boses at mata ng mga
taong dapat pakinggan at dapat paglaanan ng higit na atensyon.

Nang tumuntong ako sa kolehiyo, kinuha ko ang kursong hindi inasahan ng lahat na
aking kukunin. Tangan-tangan ang pangarap at paniniwalang ibinigay sa akin ng
dokumentaryong ―Gamu-gamo sa Dilim, kinuha ko ang kursong AB Mass Communication.

Gusto kong sumilip sa lente ng camera, baka sakali, makita ko ang mga bagay na hindi
nakikita ng iba. Baka sakali, ang lipunang aking ginagalawan ay higit kong makilala. Nais kong
humawak ng panulat, baka sakali, sa mga letrang iguguhit ko sa papel at mga kuwentong aking
isusulat ay higit na maunawaan atmakikilala ng mga tao ang kanilang mga sarili gayun din ang
mga tao sa kanilang paligid. Gusto ko, dumami ang mga katulad ni Myra, na sa gitna ng
kahirapan, sa gitna ng walang kasiguraduhang buhay at sa gitna ng kadiliman ng paligid ay pilit
niyang nilampasan ang lahat at naging isang ganap na tanglaw at liwanag.

MGA GABAY NA TANONG:

Panoorin ang Black Manila ng I-Witness at basahin ang teksto na “Sa Gitna ng Dilim.” Sagutin
ang mga tanong, ilagay sa loob ng kahon.

1. Ano-ano ang pumukaw sa iyong damdamin habang pinanonood ang dokumentaryo/binabasa


ang teksto?

2. Bilang kabataan, anong masasabi mo sa mga pangyayaring ito sa iyong lipunan?

3. Anong gampanin ng telebisyon ang ipinakita sa binasang tekstong/dokumentaryong ito?


“Sa Gitna ng Dilim” I-Witness “Black Manila”

1.

2.

3.

You might also like