You are on page 1of 1

Pagmamahal na Walang Kapalit

Buhay mo ay nabingit sa kamatayan


Noong ako’y nasa yong sinapupunan
Tinik nawala ng ako’y nakita
Karga-Karga mo na kahit nanghihina

II

Unang salita ko ika’y nakaabang


Inalalayan sa aking unang hakbang
Todo pag-iingat sa aking katawan
Parang ginto na pinahahalagahan

III

Pag nakikita mo akong lumuluha


Matamis mong yakap aking nadarama
Patatahanin ako sa’king pag-iyak
At sasabihin mong “Mahal kita Anak”

IV

Minsan ako’y nagiging palasagot


Pangaral mo’y parang bulang nalilimot
Di ka man lang nagsalita laban sakin
Isinukli mo pa ay ako’y mahalin

You might also like