You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon III
Sangay ng Zambales
Distrito ng Masinloc
PAARALANG ELEMENTARYA NG STA.RITA
Taunang Paaralan: 2018-2019
106897

PALATUNTUNANG PAGTATAPOS 2019

RAMEL D. RIVERA, LPT JEFFREY N. ELAD, LPT


Tagapagdaloy ng Palatuntunan

I. PAGBIBIGAY HUDYAT SA PAGSISIMULA NG PALATUNTUNAN

Ramel: Ang Palatuntunang Pagtatapos ng Paaralang Elementarya ng Sta. Rita ay


magsisimula na. Inaasahan na ang Pagtatapos ay magtatagal ng dalawang oras,
kaya bago natin simulan ang seremonya, ipinapakiusap ko na kung maari ay ilagay
natin ang ating mga telepono o cellphone sa silent mode at panatilihin po natin ang
katahimikan at iwasang mag-ingay kapag ang pagpapakilala ng mga
magsisipagtapos ay nagsimula na.

II. PANIMULA

Jeffrey: Isang mapagpalang umaga po sa ating lahat. Ang araw ng pagtatapos ay


sadya nga namang araw para magsaya sa kadahilanang ito ang hudyat para sa
pagsasara ng naturang pag-aaral sa nasabing antas. Ang pagtatapos ay patunay
na nakamit niyo na ang lahat ng sakripisyo at paghihirap sa pakikibaka sa larangan
ng akademya.

Ngayong araw, isa nanamang kasaysayan ang unti-unting mabubuksan


kasabay ng pagsasara ng taunang pampaaralang 2018-2019. Mga kaibigan,
malugod ko po kayong tinatanggap sa Pagtatapos 2019 sa Paaralang Elementarya
ng Sta. Rita

III. PROSESYONAL AT PAGPASOK NG MGA KULAY

Ramel: At sa puntong ito, malugod ko pong ipinapakilala ang mga hanay ng


magsisipagtapos papunta sa kanilang mga puwesto.

Mga Ginoo at Binibini, tumindig, ang pagpasok ng mga kulay

IV. PAGPASOK NG MGA MAGSISIPAGTAPOS AT MGA MAGULANG

Jeffrey: Ito na, bigyang pagpupugay ang mga magsisipagtapos kasama ng kanilang
mga mahal na magulang para sa Taunang Pampaaralan 2018-2019. Ang mga
magsisipagtapos ay binubuo ng dalawang pangkat, Ang Grade VI Venus na
pinangungunahan ng kanilang gurong tagapatnubay, Sir. Nestor E. Vengua, Dalub-

2019 Graduation Ceremony Script-Tagalog Translation Pahina 1


guro I at ang Grade VI Mars naman na pinangununahan ng kanilang gurong
tagapayo , walang iba kundi si Bb. Rhea E. Ermita, Guro II.

V. PAGPASOK NG MGA OPISYALES NG PAARALAN, PANAUHING PANDANGAL


AT IBANG HANAY NG KAGAWARAN/OPISYALES

Ramel: Bigyan naman po natin ng pagpupugay ang pagpasok ng mga dekalibreng


miyembro ng edukasyon sa pangunguna ng namumukod tanging ina ng Distrito ng
Masinloc, Kgg. Connie Atrero Peñaloza, ang pinakamahusay na pinuno ng
paaralang ito, Kgg. Sir. Diosdado B. Sison, at ang mga gurong bumubuo sa kalidad
ng edukasyon sa institusyong ito, sa ating masiglang panauhing pandangal ngayong
araw, sa mga opisyales ng barangay, sa mga opisyales at kinatawan ng PTA, mga
magulang, bisita at kaibigan.

VI. PAGTAWAG NG PANSIN, LUPANG HINIRANG, PANALANGIN AT MGA AWIT

Jeffrey: Ang Palatuntunang Pagtatapos ng Paaralang Elementarya ng Sta. Rita ay


maayos at handang handa na. inaanyayahan po namin ang lahat na magsitayo
bilang pagbibigay pugay sa ating watawat ng Pilipinas sa pamamagitan ng pag-
awit ng ating Pambansang Awit at susundan nito ng Rehiyon III, Zambales Hymn at
Masinloc Hymn sa kumpas ng ating kinatawan ng Musika, Kgg. Espher M. Batnag,
Guro I.

Manatili po tayong nakatayo bilang pagbibigay pugay, pananampalataya sa ating


Poong Maykapal sa pangunguna ni Kgg. Rhea D. Dalusong, Guro I

VII. PABATID

Ramel: Sa mga hanay ng magsisipagtapos ngayong araw, kapita-pitagang mga


bisita, sa mga opisyales ng PTA, sa mga guro, mag-aaral, pamilya at mga kaibigan.
Ako po si Ramel D. Rivera, Guro II at Jeffrey N. Elad, Guro II, ang inyong mga
tagapagdaloy ng palatuntunan. Unang una sa lahat, kami po ay nagpapasalamat
sa mga kawani ng Working Committee na naglaan ng sobra sobra nilang oras sa
pagpaplano para sa araw na ito at sa mga iba pang mahahalagang tao na
tumulong at magorganisa para sa napakahalagang okasyon na ito. Sa inyo po mga
maams at sirs, maraming salamat po.

VIII. PAMBUNGAD NA PANANALITA

Jeffrey: Atin pong tinatawagan ang May Mataas na Karangalan na si


____________________ para sa kanyang pambungad na pananalita. Bigyan natin siya
ng masigabong palakpakan.

IX. PAGPAPAKILALA NG MGA MAGSISIPAGTAPOS AT PAGPAPATUNAY

Ramel: At ngayon, ang pinaka hihintay na pagkakataon para sa kaganapan


ngayong araw na ito ay mabubuksan na at mabibigyan na ng pagpapatibay at
pagpapatunay. Saksihan po natin ang pagpapakilala ng mga magsisipagtapos
mula sa ating tagatala, sa pagpapatunay ng ating tagatala, ang nag-iisang Prinsipal
II ng Institusyong ito, Si G. Diosdado B. Sison ,gayundin ang pagpapatibay ng
pagtatapos na isasagawa ng ating nag-iisang Tagapamasid Pampurok ng Masinloc,

2019 Graduation Ceremony Script-Tagalog Translation Pahina 2


Kgg. Connie Atrero Peñaloza kasabay ng kanyang mensahe para sa mga
magsisipagtapos.

Maraming Salamat po Madam sa isang mensaheng punong puno ng inspirasyon.

X. PAGPAPAKILALA SA PANAUHING PANDANGAL

Jeffrey: Ang pagtatapos ngayong araw na ito ay dinaluhan ng isang espesyal na


tao na sa ilang sandali lamang ay ibibigay na ang kanyang mensahe tungkol sa
ating mga magsisipagtapos at sa mga mahal na mga magulang na rin. Para tuluyan
nating malaman ang kanyang pinagmulan, tinatawatagan po natin sa entablado
ang nag-iisang Guro II ng Grade V Marcos sa katauhan ni Mdm. Lee F. Gacutan
upang ipakilala ang ating 2019 Guest of Honor and Speaker.

(Mensahe ng panauhing pandangal)

Ramel: Akin pong tinatawagan ang ating PSDS, Mdm. Connie Atrero Penaloza, ang
ating Prinsipal, G. Diosdado B. Sison at ang ibang bisita kasama na rin po ang mga
gurong tagapayo ng dalawang pangkat ng Grade VI na pumarito sa entablado
para ibigay ang sertipiko ng pagkilala sa ating panauhing pandangal.

Maari na rin po tayong manatili sa ating kinatatayuan sapagkat igagawad na po


natin ang kanilang mga KATUNAYAN at Mga Medalya at Mga Sertipiko

XI. AWARDING OF DIPLOMAS, CERTIFICATES AND MEDALS TO THE GRADUATES

Jeffrey: Ang Sertipiko ng Pagtatapos ay isa sa mga nahahawakang patunay na ikaw


ay nagtapos na sa nasabing antas ng edukasyon. Ito na ang araw na ang lahat ng
pinagpaguran niyo ay makukuha niyo na.

Umpisahan natin kay ( tawagin ang pangalan ng mga bata sa listahan )

Ramel: At ngayon, ang pinakahihintay ng mga magulang at magsisipagtapos,


dumako na po tayo sa paggawad ng mga medalya at sertipiko sa mga may
karangalan at mga piling magsisipagtapos.

XII. PANUNUMPA NG KATAPATAN

Jeffrey: Sa linyang ito, tinatawagan ko po si _________________________ may mataas


na karangalan upang pangunahan ang panunumpa ng katapatan.

XIII. AWIT NG PAGTATAPOS

Jeffrey: Ang musika ay ekspresyon ng ating kaluluwa, pinapadaloy nito ang ating
mga emosyon at pinaparamdam nito ang bawat gawat ng oras. Sa pamamagitan
ng kanta, nagbibigay ito ng kalakasanpara harapin ang bawat pagsubok sa buhay,
ngayon ating pakinggan ang kanilang awit ng pagtatapos na pinamagatang
________________.

2019 Graduation Ceremony Script-Tagalog Translation Pahina 3


XIV. PASASALAMAT SA MGA MAGULANG

Ramel: Ang kanilang inawit ay sadya nga namang maganda , ang mga himig nito
ay nakakaantig sa ating mga puso. Sa puntong ito, ang batch 2019 ay hindi
mararating ang kanilang mga adhikain at pangarap sa bukas kung wala ang mga
taong mahal nila sa buhay na umaaalalay sa likod nila. Ang mga magsisipagtapos
ay gusting kunin ang pagkakataong ito para pasalamatan ang kanilang mga
magulang.

XV. MENSAHE NG PASASALAMAT

Jeffrey: Ang salitang Maraming salamat ay sadya nga namang napakasarap


pakinggan . Sa pagkakataong ito, tinatawagan ko po sa entablado si
____________________________ may mataas na karangalan para sa mensahe ng
pasasalamat.

Maraming salamat sa isang napakagandang mensaheng iyong inihandog.

Mahalagang Anunsyo………………..

XVI. RESESYONAL

Ramel at Jeffrey: Ang nasabing pagtatapos ay dumating na. Bukas panibagong


pagsubok at oportunidad ang naghihintay sa inyo mga magsisipagtapos na
susubukin kayo para maging isa kayong metatag at mahusay na indibidwal.

Jeffrey: Kasabay ng pagpapatuloy ng kanilang paglalakbay, sana naman makabalik


sila sa paaralang ito na may dalang karangalan.

Ramel at Jeffrey: Muli , sa mga mahal nating panauhin ngayon, dito nagtatapos ang
Palatuntunang Pagtatapos sa Paaralang Elementarya ng Sta. Rita. Ito po si Ramel D.
Rivera at Jeffrey N. Elad. Maraming salamat po at maligayang pagtatapos. Ang
resesyunal.

( Ang pagtatapos)……….

2019 Graduation Ceremony Script-Tagalog Translation Pahina 4

You might also like