You are on page 1of 1

Heograpiya

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya

Pisikal na mapa ng Daigdig na nilalarawan ang mga hangganan pampolitika noong 2016

Ang heograpiya (mula sa Griyego γεωγραφία, geographia, literal na kahulugan: "paglalarawan sa


daigdig") ay isang larangan ng agham na pinag-aaralan ang mga lupain, katangian, naninirahan, at hindi
karaniwang bagay sa Daigdig. Ang unang tao na gumamit ng salitang Griyego na γεωγραφία ay si
Eratosthenes (276–194 BC).Sinasakop ng heograpiya ang lahat ng disiplina na sinisikap na unawain ang
Daigdig at mga tao nito pati na rin ang likas pagkakumplikado nito. Hindi lamang ang mga bagay nito ang
pinag-aaralan, ngunit gayon din kung papaano ang mga ito ay nagbago at lumitaw.

Kadalasang binibigyan ng kahulugan ang heograpiya sa dalawang sangay: heograpiyang pantao


at heograpiyang pisikal. May kinalaman ang heograpiyang pantao sa pag-aaral ng tao at ang kanilang
mga pamayanan, kalinangan, ekonomiya, at pakikipag-ugnayan nila sa kalikasan sa pamamagitan ng
pag-aaral ng kanilang kabuuang ugnayan sa nasasakupan at lugar.[6] Samantalang ang heograpiyang
pisikal ay may kinalaman sa pag-aaral ng proseso at disenyo sa kalikasan katulad ng atmospera,
hidrospera, biyospera, at heospera.

Kontinente
Ang kahulugan ng Kontinente na kilala rin sa tawag na lupalop, ay ang pinakamalaking uri ng
anyong lupa. Binubuo ito ng magkakaratig na bansa na kadalasan ay nasusukat at naitatangi dahil sa
kanilang kultura, tradisyon at teritoryo. Ang lupa ng daigdig ay nahahati sa pitong malalaking
kontinente.

Ang mga Geographer ang tumutukoy ng isang kontinente. Kapag tinutukoy nila ang isang
kontinente, kadalasan ay sinasama nila ang lahat ng mga pulo na nauugnay dito.

Pitong Kontinente sa Mundo

 Aprika – pangalawa sa may pinakamalaking sukat ng lupa kung saan sakop ang 11,
700,000 sq. miles at binubuo ang 5.9 porsyento ng total na sukat ng mundo.
 Antartika – ang 98 porsyento nito ay binubuo ng yelo at syang nag-iisang kontinente na
hindi tinuturing bilang isang bansa at hindi inaangkin ng alinmang bansa.
 Asya – ito ang pinakamalaking kontinente na tinitirhan ng halos 60 porsyento ng mgha
tao.
 Australia – pinakamaliit sa ngalan ng sakop na lupa na may 4, 000, 000 sq. miles ngunit
may masaganang populasyon ng halos 20 milyong tao.
 Europa – tanging ang pag-unlad sa politika at kasaysayan ang nagging batayan ng
pagkilala sa Europa bilang isang kontinente. Sakop nito ang 4 milyon sq. miles bagama’t
napakadami ng populasyon sa 705 milyong tao.
 Hilagang Amerika – sakop nito ang Artika bagama’t itinuturing na sakop din ang halos
kabuuan ng Sentral Amerika. May kabuuang 9.45 milyong sq. miles ang lupa nito at
halos 514 milyong tao ang nakatira dito.
 Timog Amerika – sakop nito ang 6.9 milyong sq. miles at binubuo ang 3.5 porsyento ng
total na sukat ng mundo. Ikalima ito sa listahan ng pinakamadaming populasyon sa
mundo sa bilang na 371 milyong tao.

You might also like