You are on page 1of 5

Sam Lemuel C.

Tandoc
MGA PABULA
Ang Agila at ang Maya
Isang Agila ang kasalukuyang lumilipad sa kalawakan, buong yabang niyang iniladlad at
ibinuka ang kanyang malalapad na pakpak. Habang patuloy siya sa kanyang paglipad ay
nakasalubong niya ang isang maliit na ibong Maya at hinamon niya ito.

"Hoy Maya, baka gusto mong subukan kung sino sa ating dalawa ang mabilis lumipad?"
buong kayabangan ni Agila, kaya
naipasya niyang tanggapin ang hamon
nito para maturuan niya ng leksyon.

"Sige! Tinatanggap ko ang hamon


mo. Kailan mo gustong magsimula
tayo?"

Natuwa ang Agila, himdi niya akalain


na tatanggapin nito ang hamon niya.

"Aba, nasa sa iyon 'yan. Kung


kailan mo gusto," buong kayabangang
sagot ni Agila.

Napatingin ang Maya sa


kalawakan. Nakita niyang nagdidilim
ang kalangitan, natitiyak niyang ang
kasunod niyon ay malakas sa pag-ulan.

"Sige Agila, gusto kong umpisahan


na natin ang karera ngayon na. Pero, para lalong maging masaya ang paligsahan natin ay
kailangang bawat isa sa atin ay magdadala ng kahit ano ng bagay. Halimbawa ang dadalhin ko ay
asukal ikaw nman ay bulak."Tumawa ang Agila sa narinig na sinabi ni Maya. Tuwang-tuwa talaga
siya, bakit nga naman hindi eh, mas hamak na magaan ang bulak na dadalhin niya kumpara sa
mabigat na asukal na dadalhin naman nito.

"O ano, Agila, payag ka ba?" untag ni Maya.

"Aba oo, payag na payag ako."

" Sige doon tayo mag-uumpisa sa ilog na 'yon at doon tayo hihinto sa ituktok ng mataas na
bundok na iyon," wika pa ni Maya.Gusto ng matawa ni Agila sa katuwaan dahil tiyak na ang
panalo niya, subalit hindi siya nagpahalata.At sisimulan nga nila ang paligsahan.Habang nasa
kalagitnaan na sila ng kalawakan ay siya namang pagbuhos ng malakas na ulan. Nabasa ang
bulak na dala-dala ni Agila kaya bumigat ito ng husto. Nahirapan si Agila , kaya bumagal ang
lipad niya.Samantalang ang mabigat sa asukal na dala-dala naman ni Maya ay nabasa din ulan
kaya natunaw ito. Napabilis ang lipad ni Maya.Dahilan sa pangyayari, unang nakarating si Maya
sa ituktok ng mataas na bundok at tinalo niya ang mayabang na Agila.

MENSAHE:Maging mapagpakumbaba sa lahat ng ating mga ginagawa. Huwag maging


mayabang at huwag ding maliitin ang kakayahan ng ating kapwa.

Sam Lemuel C. Tandoc


Ang Daga at Leon
Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog na
leon. Kanyang inaakyat ang likuran ng leon at pagdating sa itaas ay
nagpapadausdos siya paibaba.
Sa katuwaan ay di niya napansin na nagising ang leon. Dinakma ng leon
ang daga at hinawakan sa buntot na wari bagang balak siyang isubo at
kainin. Natakot at nagmakaawa ang daga.
"Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinasadyang gambalain ka sa
pagtulog mo. Wala akong masamang hangarin. Nakatuwaan ko lang na
maglaro sa iyong likuran. Huwag mo akong kainin" sabi ng daga.
Nabakas ng leon sa mukha ng daga ang tunay na pagmamakaawa.
"Sige, pakakawalan kita pero sa susunod ay huwag mong gambalain
ang pagtulog ko," sabi ng leon.
"Salamat kaibigan. Balang araw ay makagaganti rin ako sa kabutihan mo, "
sagot ng daga.
Lumipas ang maraming araw at minsan sa pamamasyal ng daga sa
kagubatan ay kanyang napansin ang isang lambat na nakabitin sa puno.
Lumapit siya upang mag-usisa at agad niyang nakilala ang leon na nahuli
sa loob ng lambat na ginawang bitag ng mga nangagaso sa kagubatan.
Dali-daling inakyat ng daga ang puno at nginatngat ang lubid na nakatali sa
lambat. Agad namang naputol ang lubid at bumagsak ang lambat kasama
ang leon sa loob. Mabilis na
bumaba ang daga at tinulungan
ang leon na
nakawala sa lambat.
"Utang ko sa iyo ang aking
buhay," laking pasasalamat na
sabi ng leon sa
kaibigang daga.

Mga aral ng pabula:


Ang paghingi ng paumanhin sa
kapwa ay sinusuklian ng pang-
unawa.
Ang pag-unawa sa kapwa ay humahantong sa mabuting pagkakaibigan.
Huwag maliitin ang kakayahan ng iyong kapwa. Hamak man ang isang tao
ay maaari siyang makatulong ng malaki o makagawa ng bagay na lubhang
makabuluhan.

Sam Lemuel C. Tandoc


Ang Kabayo at Kalabaw
Isang magsasaka ang nais manirahan sa ibang bayan kaya isang araw
ay inipon niya ang kanyang mga gamit at inilulan sa kanyang alagang
kabayo at kalabaw. Maaga pa ay sinimulan na nila ang mahabang
paglalakbay.
Makaraan ang ilang oras ay nakaramdam ng matinding pagod at pang-
hihina ang kalabaw dahil sa bigat ng kanyang pasang gamit.
"Kaibigang kabayo, di hamak
na mas mabigat ang pasan kong
gamit
keysa sa iyo. Maaari bang
tulungan mo ako at pasanin mo
yung iba?"
pakiusap ng kalabaw.
"Aba, yan ang ipinataw sa iyong
balikat ng ating amo kaya
pagtiisan mo,"
anang
binilisan kabayo na lalo
ang paglalakad. pang

"Parang awa mo na tulungan mo ako. Di ko na kakayanin ang bigat ng


dala ko. Nanghihina ako. Alam mo namang kailangan kong magpalamig
sa ilog kapag ganito katindi ang init ng araw dahil madaling mag-init ang
katawan ko," pakiusap pa rin ng kalabaw.
"Bahala ka sa buhay mo," naiinis na sagot ng kabayo.
Makaraan pa ang isang oras at lalung tumindi ang init ng araw. Hindi
nagtagal at ang kalabaw ay iginupo ng bigat ng kanyang dala at siya
ay pumanaw.
Nang makita ng magsasaka ang nagyari ay kinuha niya ang lahat ng
gamit na pasan ng kalabaw at inilipat sa kabayo na bahagya namang
makalakad dahil sa naging napakabigat ng kanyang mga dalahin.
"Kung tinulungan ko sana si kasamang kalabaw ay hindi naging ganito
kabigat ang pasan ko ngayon," may pagsisising bulong ng kabayo sa
kanyang sarili.

Mga aral ng pabula:


Ang suliranin ng kapwa ay maaaring maging suliranin mo rin kung hindi
mo siya tutulungan. Ang makasariling pag-uugali ay may katapat na
kaparusahan. Ang mga pasanin natin sa buhay ay gagaan kung tayo ay
magtutulungan.

Sam Lemuel C. Tandoc


Ang Buwaya at ang Pabo

Noong unang panahon,


may isang batang buwayang
namumuhay sa pampang ng
Ilog Pasig. Siya ay mabangis at
ubod ng sakim. Sa
kadahilanang ito, walang ibang
hayop ang magkalakas ng loob
na siya’y lapitan.

Isang araw habang siya ay


namamahinga sa ibabaw ng
isang bato, napag-isipan
niyang mag-asawa na. Pasigaw
niyang sinabi,

“Ibibigay kong lahat ng pag-aari ko upang magkaroon ng asawa.”

Katatapos pa lamang niyang sambitin ito nang may makiring pabo ang dumaan sa kanyang
harapan. Inulit banggitin ng pilyong buwaya ang kanyang kahilingan. Nakinig ng mabuti ang
makiring pabo, at sinumulang suriin ang anyo ng buwaya.

Sabi niya sa kanyang sarili,

“Pakakasalan ko ang buwayang ito. Mayaman siya. Naku! Kung mapapasaakin lamang ang
lahat ng mga perlas at diyamante, ako ang magiging pinakamasayang asawa sa buong mundo.”

Bumaba ang pabo sa bato na kung saan naroroon ang buwaya. Sinabing muli ng pilyong buwaya
ang kanyang pag-aalok ng kasal nang buong pagpipitagan, gaya ng gawi ng isang mapagkunwari.

Inakala ng pabo na ang malalaking mata ng buwaya ay dalawang magagandang diyamante at


ang magaspang na balat nito ay gawa sa perlas, kaya tinanggap niya ang alok nitong
pagpapakasal.

Inanyayahan ng buwaya ang pabo na umupo sa kanyang bibig, upang sa gayon ay hindi daw
madumihan ng putik ang maganda nitong plumahe. Sinunod naman ng mangmang na ibon ang
kahilingan ng buwaya.

Ano sa palagay ninyo ang nangyari? Ginawang masarap na hapunan ng sakim na buwaya ang
kanyang bagong asawa.

Aral:
Iwasang maging alipin ng kayamanan. Ang pagiging mukhang pera ay parang lason sa katawan
na nakamamatay.
Sam Lemuel C. Tandoc

Ang Mag-anak na Langgam

Malapit-lapit na naman ang tag-ulan kung kaya’t ang isang mag-anak na langgam ay abalang-
abala sa paghahakot ng pagkain para sa kanilang pinagtataguan.
“Huwag kayong lilihis ng landas patungo sa ating lungga dahil sa may gawing kaliwa ay may
munting kanal,” sabi ni Tatay Langgam.
“Hindi po kami lalayo,” sabi ni Unang Munting Langgam.
Abala sa paghahakot ng mga pagkain ang bawat isa kung kaya’t hindi nila napansing ang
Bunsong Langgam ay unti-unting humiwalay sa pila.
“Nakakapagod naman ang
paghahakot ng pagkain. Mmatagal
pa naman ang tag-ulan ay
naghahanda na kami,” sabi sa
sarili ng Bunsong Langgam. “Buti
pa’y maghanap ako ng mas
masarap na pagkain.”
Walang anu-ano’y nakakita ng
isang kendi na malapit na malapit
sa kanal na ipinagbabawal na
puntahan ng kanyang ama.
“Siguro naman ay hindi ako
mahuhulog sa kanal kung dahan-
dahan kong kukunin ang kendi.”
Sa kasabikan niyang makuha ang
kendi ay hindi niya napansin ang munting sinulid na kinapatiran ng kanyang paa kaya nawalan
siya ng panimbang at tuloy-tuloy na nahulog sa kanal.
Hindi mapakali ang Amang Langgam nang hindi niya makita ang kanyang Bunsong anak sa pila.
Kaya dali-dali siyang umalis upang ito’y hanapin hanggang sa siya’y mapadako sa ipinagbabawal
na pook. Pagtingin niya sa ibaba ay nakita niyang nakalutang sa tubig ang kanyang bunsong
anak.
Masakit man sa kalooban ay naibulong niya sa kanyang sarili na, “iyan ang napapala ng mga
anak na matigas ang ulo.”

Aral
Makinig sa babala o pangaral ng mga magulang upang maiwasan ang problema o anumang
sakuna na maaring mangyari.

You might also like