You are on page 1of 2

Panuluyan

Unang Bahay
Jose: Mahal na Ginoong may bahay kami ay nagbibigay galang,
Saka tuloy manunuluyan kamiý inyong pahintulutan.
May bahay 1: Sandali’t nais pong magtanong, kung saan sila buhat ngayon.
At saan naman magtutuloy tong gabing itim inyong layon?
Jose: Malayo po kami nagbuhat nsa nazaret na aming bayan nagtungo rito’t
Nagpatala ayon sa kay Cesar na atas.
Maria: Ginoo ang pagod naming ito tatlong gabi’t araw na syang husto
Sa sanggol na sinapupunan ko iyong tahana’t puso buksan mo.
May bahay 1: Sana kung ditto ay may lugar gaano mang kayo ay pagbigyan
Ngunit halos pumutok na lang aking bahay sa kapunuan.
Jose: Paalam po aming maginoo, Sintang Maria paano tayo.
Maria: Jose kong irog h’wag matakot ang Diyos hindi nakalilimot.
KORO :

Ikalawang Bahay
Jose: Aba Tila bukas pa ang ilaw, doon sa kabilang tahanan, halika’t tayoý dón tumawag.
Tao po kamiý mawalang galang.
May bahay 2: Paumanhin kung sino man kayo libung bahay nasa isip ko, darating ngayon kilala ko,
Buo kong bahay dapat iwasto.
Maria: Butihin pong ginang kayoý ina alang sa buhay kong dinadala.
Jose: Kahit nap o saan mang sulok sa amiý inyong pagkaloob.
May bahay 2: Sabi kaninaý uulitin may tanyag akong panuhin kailangan kong estimahin,
paalam sa inyo ngayon din.
Jose: Ganitong buhay dukkha talaga walang lakas larong tadhana. Halika aking tanging sinta, at
may iba tayong Makita.
Maria: Tayo may pagod at naghihirap dapat patuloy s’yang panghahanap, Panginoon sadyang
lilingap sa mga taong nagsusumikap.
Ikatlong Bahay
Jose: Kay gandang bahay O iyong tingnan, Mabuting puso sanaý nandiyan, O maawain pong may
bahay, Kami sanaý manunuluyan.
May bahay 2: Tao o hayop baga kayo? At gabing-bagiý nagugugulo!
Jose: Aming pakiusap po lamang, Sintang asawa koý kagampay.
Maria: Ang hirap naming hwag nang indahin, sanggol ang syang alalahanin.
May bahay 2: Buong bahay ko ngayoý tulog at kayoý nambubulabog, wala akong labis na panahon
sa tulad ninyong patay gutom!
Jose: Kung ayaw po ninyoý di bale kami poý h’wag lamag laitin kami may dukha at pulubi, may
hawak ding puso’t damdamin.
Maria: Jose halika’t maglakbay muli, sa kanyaý ang dapat na sukli, pag-asa natin di taong saksi ang
kung ang Diyos sangguning tangi.
Maria at Jose: Panginoong hari ng kalangitan maraming hindi maunawaan, Tiwala sa iyo nakalagak
gawin ang Pag-ibig sa ‘Yong anak.

You might also like