You are on page 1of 10

Apolinario Mabini y

Maranan

Dakilang Paralitiko at Utak ng


Rebolusyon
Hulyo 23, 1864-Mayo 13, 1903

Si Apolinario Mabini ay ipinanganak noong Hulyo 23, 1864 sa Tanauan,


Batangas.
Sina Inocensio Mabini at Dionisia Maranan ang kanyang amat ina. Kapwa
magsasaka.
Pangalawa sa walong magkakapatid.
Kilala bilang Dakilang Paralitiko at Utak ng Rebolusyon

Edukasyon:

Noong siya ay bata pa, nagpakita na siya ng


hindi pangkaraniwang talino at pagkahilig sa
pag-aaral
noong 1881, nakamit niya ang isang partial
scholarship na nagbigay-daan upang
makapag-aral siya sa Kolehiyo ng San Juan
de Letran.
Natapos niya ang kanyang Batsilyer sa
Sining noong 1887.
Nag-aral din siya ng abogasya sa
Unibersidad ng Santo Tomas mula 1888
hanggang 1894.

Buhay:

Noong 1893, isa siya sa mga bumuhay ng


La Liga Filipina na siyang nagbibigaysuporta sa Kilusang Pang-reporma.
Noong taong 1896 naman, nagkaroon
siya ng matinding sakit na nagdulot sa
kanya na maging paralitiko habambuhay
noong 10 Oktubre 1896, Hinuli siya ng
mga gwardiya sibil dahil sa pagkakaroon
niya ng koneksyon sa mga repormista.

Sumailalim siya sa house arrest sa ospital ng San Juan de Dios at nang


kinalaunan ay pinalaya na rin dahil sa kanyang kondisyon.
Ang talino sa batas ay nabigyang diin ni Apolinario nang sumulat siya ng isang
artikulo para sa mga Lider Rebolusyonaryo. Ang manifesto ay nagpapahalaga
sa pagtindig ng Pilipinas bilang isang malayang bansa kung matatalo ng Estado
Unidos ang Espanya sa digmaan nilang dalawa.

Si Mabini ay naging punong tagapayo ni Aguinaldo dahil sa husay nito.


Isa sa mga mahuhusay na payo ni Apolinario kay pangulong Aguinaldo at ang
pagpapalit ng porma ng gobyerno. Mula diktaturya, nagging rebolusyonryo ang
porma ng pamahalaan ng Pilipinas. Ipinaorganisa ni Apolinario ang mga
lalawigan, munisipalidad, hukuman at pulisya.
Nagsilbi si Apolinario bilang Pangulo sa Konseho ng mga Kalihim. Hinirang siya
sa Pamahalaang Aguinaldo bilang Kalihim Panlabas.

Si Apolinario rin ang pinasulat sa maraming alituntuning dapat ipatupad sa


buong bansa.
Isa pa sa mga importanteng dokumento na kanyang nagawa ay ang Programa
Constitucional de la Republica Filipina, isang konstitusyon na kanyang
iminungkahi para sa Republika ng Pilipinas. Ang introduksyon sa balangkas ng
konstitusyong ito ay ang El Verdadero Decalogo, na isinulat upang gisingin ang
makabayang diwa ng mga Pilipino.

Nang sumiklab ang giyera Pilipino-Amerikano, inilikas si Mabini papuntang Nueva


Ecija at nadakip ng mga Amerikano sa Cuyapo noong 10 Disyembre
Nanatiling bilanggo si Mabini hanggang 23 Setyembre 1900.
Nanirahan siya sa isang maliit na dampa sa Nagtahan, Maynila, at kumikita sa
pamamagitan ng pagsusulat sa mga lokal na pahayagan.
Ang artikulo niyang El Simil de Alejandro ay nagdulot sa kanyang muling
pagkadakip at pagkatapon sa Guam kasama ang iba pang mga Pilipino.

Habang nasa Guam, naisulat niya ang La Revolucion Filipina.


Minarapat niyang mamalagi sa kaniyang munting dampa na Malaya kahit
maralita.
Namatay si Apolinario Mabini noong Mayo 13, 1903 sa gulang na 39 dahil
sa kolera.
Namatay siya na isang dakilang Pilipinong hinahangaan sa buong mundo.

The End
Presented by:

Jerico O. Julaton
BSED-English 2

You might also like