You are on page 1of 13

BALITANG TALUMPATI

Basahin ang mga tala sa ibaba


at sumulat ng balitang
talumpati
-Ang mga sumusunod ay bahagi ng
talumpating binigkas ni G. Harold
Abarquez, punong tagapamahala
ng Computer Institute, kaugnay
sa 3rd Regional Computer Contest
noong Marso 9, sa Mataas na
Paaralang Marquez. Dinaluhan ito
ng may 800 mag-aaral at guro.

-Ang komputer ay may malaking


impluwensiya sa pag-aaugali at gawi ng
kabataan.
-Pansinin ninyo ang paligid, halos
kompyuter na ang nagpapatakbo sa
mundo. Bahagi ito ng tumataas na antas
ng teknolohiya. Ito rin ay nagdudulot ng
kaunlaran at kamalayan sa isip ng bawat
tao lalo na sa kabataan.

Maraming kahalagahan ang kompyuter


na ginagamit sa ibat ibang aspeto.
Pinakapopular na rito ang panlibang
aspeto na kinahuhumalingan ng mga
kabataan.
-Oo ngat nakaaaliw ang paglalaro rito
ngunit kung napapabayaan na ninyo
ang inyong pag-aaral ay hindi na rin
maganda.

-Sa kabila nito, kaginhawaan pa rin ang


ipinagkaloob ng kompyuter sa ating
pang-araw-araw na pamumuhay. Una
na rito ang mga gawaing pangindustriya sa mga kompanya at pabrika.
-idagdag din dito ang pagkakaroon ng
malawak na isipan ng mga kabataan
dahil hindi sila nahuhuli sa mga
makabagong impormasyon na epekto
ng umuunlad na mundo.

Tunay ngang mahalaga ang


kompyuter sa pangkalahatang analisis
subalit kinakailangang limitahin at
huwag abusuhin ang paggamit nito.
-alalahanin sana ninyo n a kahit
makina ito maaari rin siyang mapagod
at naghahanap din siya ng pagkalinga
at pag-iingat ng gumagamit sa kanya.

Pakikipanayam

Panuto: Ipagpalagay na naatasan


kang kapanayamin si G. Kim
Atienza, na siyang guro sa TLE ng
Mataas na Paaralang Weder, na
siyang nakaisip ng mabisang
paraan kung paano magagamit
ang mga patapon na bagay. Ang
paksa ng panayam ay Handicrafts
sa Pamamagitan ng Resiklo.

Sa Ibaba ay bahagi ng
panayam. Basahin
itong mabuti at
sumulat ng balitang
pakikipanayam

Tanong: Napag-alaman ko po na
nakaisip kayo ng mabisang
paraan upang muling magamit
ang mga itinuturing nang basura
at patapong bagay. Sa inyong
bagong paraan, maaari po ba
silang maging kapaki-pakinabang
muli?

Sagot: Hindi lamang sila


pakikinabangan kung hindi
magagamit pang muli. Tingnan
mo na lamang ang mga bagay na
nakasabit sa dingding at yung iba
pang naka-display sa kabinet,
lahat ng iyan ay produkto ng
recycling.

T: Ano pong ibig sabihin ng recycling sa


partikular na gawaing ito?
S: Ang recycling ay nangangahulugan
ng muling pagbibigay-silbi o gamit sa
mga luma at patapon nang mga bagay.
T: Subalit hindi po kaya inaalisan na
ninyo ng trabaho ang mga basurero o
yung mga namumulot ng basura?

S: Mas disente at mainam siguro para sa


kanila na kumita ng kanilang ikabubuhay
sa pamamagitan ng paggawa ng mga
bagay kaysa pagkalkal ng mga basura.
Ang pera ay hindi usapin dito. Ang
mabuting mamamayan ay hindi
nakatuon sa materyal na bagay o pera.
Maraming mainam at mabuting
magagawa sa buhay tulad na lamang ng
paggawa ng kahit anong bagay na
makatutulong sa lipunang ating
kinabibilangan.

T: Balik po tayo sa recycling, paano pong ang


mga walang paikinabang at patapong bagay
ay magagamit sa recycling?
S: Dahil sa karamihan sa mga patapong
bagay na maaari pang sagipin ay mga factory
reusable tulad ng papel, lata, mga maliliit na
piraso ng bakal, bote at plastik. Konting
imahinasyon lamang at gamit ng isip at
magiging kapaki-kapakinabang muli ang mga
ito. Maaaring maging handy gadget ang mga
ito o kaya ay palamuti at marami pang iba.

You might also like